Wednesday, October 31, 2012

NAISIP KO LANG

Maaga pa lang ngunit abala na ang mga tao sa aming lugar. May nagwawalis ng bakuran, lumalabas upang pumasok sa kani-kanilang opisina, mga batang bumibili sa tindahan, mga kasambahay na abala sa kanilang pang araw-araw na gawain.

Ngunit me isang umantig sa aking damdamin. Isang taong nagbubungkal ng basura sa tapat bahay. Naisip ko lang ninais ba ng taong ito ang kanyang kalalagayan sa buhay? Baka lamang bunsod ng kawalan ay nagawa niya ang ganitong uri ng hanap buhay para sa kanyang pamilya. Nabuo tuloy sa aking kamalayan ang tanong na, Kung siya ba ay bibigyang pagkakataon na baguhin at mapabuti ang kanyang katatayuan sa buhay gagawin kaya nito? Malamang na sagot ay "OO".

Ito ang mga tanong na nabuo sa aking isipan. Hindi nalalayo dito ang pagkaantig ng aking damdamin para sa taong nabanggit at paghanga sa mga katulad nila na nagsisikap upang umahon at labanan ang hamon ng buhay. Nagsisilbi rin silang inspirasyon sa mga tulad kong may dinaraang pagsubok sa buhay.

Hindi ko na hahanapan pa o sisisihin pa ang kung sinu-sino ang may sala kung bakit may mga ganyang uri ng pamumuhay sa ating bansa. Kayo na lamang ang magsalita kung bakit nagkakaganoon.

Ang sa akin lamang ay isang panalangin isang magandang buhay sa lahat, iyong may sapat na panustos sa bawat pangangailangang medikal, pabahay,sapat at mabuting edukasyon at pagkain ang bawat tahanan. Siguro nga malayo pang mangyari na bumaba ang halaga ng basic commodities sa ating bansa pero sana mangyari. "Wishful thinking but its true".

No comments: